Pengeng payo. 01/16/2012
Posted by Nicki in love is all around, tsk tsk.Tags: #Dr. Love, #Papa Jack, #payo
trackback
Madami sa mga kaibigan ko ang Taken na at laging problemado sa mga karelasyon nila. Hindi ko alam kung bakit ako ang lagi nilang tinetext at hinihingan ng payo. Di naman ako si Papa Jack at Dr. Love. Pero, nakakatuwa lang isipin na.. ganon ba ko kagaling magbigay ng payo para lagi nilang maisip na ako ang dapat nilang hingan?
Sabi nila, ang galing ko daw magbigay ng payo. Lagi akong may naiisip na solusyon. Lagi may sagot. Sa totoo lang, di ko naman laging sinasadya na magbigay ng payo, ang akin lang.. andito ako para makinig sa problema mo.. nasasayo na kung susundin mo ung sinabi ko. Minsan kasi, di naman kailangan ng isang taong may problema ng taga payo, kadalasan.. kailangan lang nila ng makikinig sa kanila.
Alam ko sa sarili ko na hindi ako magaling magpayo.. akala lang nila ‘yun kasi wala silang ibang nakakausap. Lagi lang ako. Kung magaling ako magpayo edi sana kaya kong payuhan ung sarili ko. Pero, pansin nyo.. ung mahilig magbigay ng payo.. sila ung hindi kayang payuhan ung sarili. Kasi nga naman, alam mong hindi mo magagawa ung mga sinasabi mo. Wag mong gawin yan.. itigil mo yan.. blah. blah. blah..
Ganito siguro talaga ang buhay. Hindi sa nagrereklamo akong Single ako. Gusto ko lang sabihin na.. Hindi lahat ng magaling magpayo sa Love. E merong Lovelife. Ü

Comments»
No comments yet — be the first.